13th month para sa mga kasambahay isinusulong

IPINANUKALA sa Kamara de Representantes ang pagkakaroon ng 13th month pay ng mga kasambahay.

Sa inihain ni ALE Rep. Catalina Cabrera Bagasinana  House Bill 4753, na tatawagin na “Kasambahay Christmas Bonus Act of 2010,” nilalayon na mabigyan ng 13th month pay ang mga kwalipikadong kasambahay.

Ang pagbibigay ng nabanggit na bonus ay hindi dapat na lumampas tuwing Disyembre 24 ng bawat taon.

“This measure will give the ‘kasambahay’ the extra money to send to their families during the holidays. It is designed to give them additional purchasing power and help pump prime the economy during the festive season,”  ani Bagasina.

Nilalayon din ng panukala na magkaroon ng responsibilidad ang gobyerno na iangat ang kalagayan ng mga kasambahay na gaya ng mga naibibigay na benepisyo sa mga manggagawa tulad ng 13th month pay.

Ayon sa mambabatas, dapat ding may siguradong aasahan ang mga kasambahay pagsapit ng Kapaskuhan na gaya ng mga manggagawa na nasa pribado at publikong manggagawa.

Dahil sa kawalan ng batas na nagpoprotekta sa sektor ng mga kasambahay, umaasa na lamang ng awa at tulong ang mga ito mula sa kanilang mga amo tuwing may emergency at iba pang pangangailangan.

Maging ang kanilang pang-seguridad na benepisyo ay hindi man lamang naibibigay ng kanilang employer kaya dapat ding tapatan ang nagiging katapatan at pagsisilbi ng mga ito sa pamamagitan ng 13th month pay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply