14-anyos na miyembro ng ASG nasagip

MALINAW na nilalabag ng Abu Sayyaf ang karapatan ng mga bata matapos masagip ng mga tauhan ng Special Operations Task Force -Basilan  ang isang 14-anyos na diumanoy ni-recruit ng mga bandidong Abu Sayyaf noong isang taon.

Ayon kay Col. Alexander Macario, hepe ng Special Operations Task Force -Basilan , isang impormante ang nagsabi na nakilala niya ang isang bata sa mga larawan na ikinakalat sa publiko sa Basilan.

Ang bata , ayon kay Macario, ay kabilang sa serye ng mga pakikipaglaban sa mga tropa ng pamahalaan sa lalawigan makaraang magsanay at ma-brainwash ng Abu Sayyaf.

Napatunayan na umano na sangkot ang mga bandido sa mga kidnap-for-ransom operations, pambobomba, pangingikil, at iba pang pananakot sa Basilan kung saan nabalot ng pangamba ang mga mamamayan.

Ang mga bandido ay nangangalap umano ng mga walang muwang na batang lalaki para palawigin ang kanilang kampanya ng terorismo at baluktot na pakikibaka sa pamamagitan ng pag-aarmas, na madali umanong hutukin ang mga pag-iisip sa paglaban sa pamahalaan.

Nasagip ang bata sa bayan ng Mangal, Sumisip sa Basilan ng walang anumang engkwentrong naganap at sa ngayon ay sumasailalim sa counseling at rehabilitasyon upang maibalik sa daloy ng lipunan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply