14-anyos ‘pinatay’ lumutang matapos ang 10 taon

MAKARAAN ang mahigit 10 taon na pagkawala ng 14-anyos na si Marco Escaro ng Lapuz, Iloilo City, laking-gulat ng kanyang pamilya nang umuwi ito sa kanila.

Nabatid na bumalik sa kanyang pamilya si Escaro matapos ang napabalitang pinatay ito at ibinaon ang bangkay sa hindi malamang lugar.

Ayon kay Estante, Hunyo 7, 2000 nang mawala si Escaro na noon ay Grade 6 pupil lamang sa Jalandoni Elementary School.

Maraming espekulasyon ang lumabas sa pagkawala nito kung saan ang utility worker na si Jerome Altas kung saan nag-aaral ang biktima ay sinampahan pa ng kaso sa paniwalang ito ang pumatay sa nawawalang biktima.

Pinaniwalaang isinilid sa sako ang bangkay ng biktima at itinapon sa dagat. May mga haka-haka rin na ibinaon ito sa lupa.

Kabilang din sa pinagdududahang pumatay sa biktima ay ang dating principal ng nabanggit na paaralan na si Rosalie Dais at isa pang guro.

Ngunit matapos umuwi ang biktima sa kanilang bahay, natuklasan na naglayas pala ito at pumunta ng Maynila at saka doon na nakapagtrabaho bilang welder at driver.

Tumanggi naman ang pamilya ng biktima na ihayag kung ano ang dahilan ng paglalayas nito noon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply