14 sasakyan na tinangkang ipuslit nasabat sa Mindanao

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang 14 na na segunda-manong sasakyan na iligal na ipinuslit sa Port of Cagayan de Oro.

Ayon kay Customs Commissioner Angellito Alvarez, ang mga sasakyan ay idineklarang industrial part at truck replacement parts kabilang ang anim na right-hand-drive Honda Fit, 5 Starex van, isang Sorento at isang Korea-made van.

Ang mga nakumpiskang sasakyan ay tinatayang nagkakahalaga ng P5.5 milyon base sa pagtataya ng BoC.

Nabatid na ang sasakyang Honda ay isinakay sa M/V Montenegro formula sa bansang Taiwan, at naka-consign sa JV & A Enterprises, samantalang ang Korea-made vans na mula rin sa naturang barko ay naka-consign naman sa Tesca Trading., Ang dalawang kompanya ay kapwa nakabase sa Cagayan de Oro City.

Ang pagkakasabat ngayon ng mga sasakyan ay itinuturing na ikalawang pinakamalaking accomplishment sa loob ng anim na linggo na puminsala sa operasyon ng mga smugglers sa Mindanao International Container Terminal (MICT) na nasa Tagoloan, Misamis Oriental.,

Ang MICT ay sub-port ng Port ng Cagayan de Oro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply