14-taon kulong sa magnanakaw na staff ni Duterte

KULONG ng hanggang 14 taon ang sentensiya sa pinagtitiwalaang tauhan ni Vice Mayor Rodrigo Duterte sa pagnanakaw ng mahigit P2 milyon mula sa vault ng bise alkalde.

Sa desisyon ni Judge Emmanuel Carpio, ng Davao Regional Trial Court Branch 16, pinatawan nito ang akusado na si Hezelene Osiones ng prison mayor hanggang reclusion temporal matapos mapatunayang nagkasala sa pagnanakaw ng personal na salapi ni Duterte na nagkakahalaga ng P2,031,932.

Umamin si Osiones sa kanyang ginawa, na siyang naging basehan ng korte sa desisyon.

Sa salaysay ni Duterte, iniabot umano niya ang mga salapi sa kanyang executive assistant  noong Marso na si Christopher Go, upang pambayad sa kanyang mga abugado sa Maynila na humahawak ng kanyang mga kaso sa Ombudsman at Sandiganbayan, maging ang pambayad din sa abugado ng kanyang anak na si Mayor Sarah Duterte na naharap sa protesta sa eleksyon.

Dahil sa kaabalahan ng executive assistant na si Go, iniatang naman nito ang pagliligpit sa mga salapi kay Osiones.

Nitong May 25, iniutos ni Duterte na kumuha ng salapi sa loob ng vault si Go, at laking gulat nang walang makitang pera ang huli. Nang hanapin si Osiones ay wala ito at hindi na pumasok pa sa City Hall kung saan siyam na taon ding naglingkod.

Kinabukasan lamang natunton ng mga pulis si Osiones na nagtago sa Dipolog City.

Nabawi sa suspek ang P26,200  na salapi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply