15-anyos dalagita niluray ng 4 magbabarkada

KULUNGAN ang binagsakan ng apat magkakabarkada matapos ipagharap ng sumbong hinggil sa halinhinang panggagahasa sa isang 15-anyos na dalagita sa Maasi, Genral Santos City.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dinakip ng mga kagawad ng Maasim Police Station ang apat na suspek na itinurong halinhinang gumahasa sa 15-anyos na estudyanteng babae na isinama nila sa piyestahan.

Sa report na isinumite ni Insp. Lorebie Rojo, ng Maasim Police Station, kasama ng mga suspek na nakipiyesta sa Sitio Kabatiol ang biktimang itinago sa pangalang Amor.

Sa salaysay ng dalagitan, nag-inuman ang mga suspek at matapos na malasing ay pinagtulungan nilang gahasain ang biktima.

Sinabi pa ni Rojo na matapos i-report ng biktima sa kapulisan ang naturang pangyayari, kaagad na nagsagawa ng operasyon at nahuli ang apat.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply