150 Pinay part-timers kalaboso sa Dubai

KALABOSO ang may 150 Pinay part-timers sa Dubai na nakadetine ngayon sa Al Aweer Detention Center.

Nabatid na kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Philippine Overseas Labor Officer-Overseas Workers Welfare Administration sa lokal na pulisya para sa agarang pagpapalabas ng mga ito.

Ayon sa kaibigan ng isa sa mga arestado, lumalabas na setup ang nangyari sa mga Pinay dahil ang karamihan sa mga ito ay mga regular na part-timers kung saan nagulat ang mga ito nang hindi sila idiretso ng service nilang bus sa kanilang pinagtatrabahuhan bagkus ay sa selda sila dinala.

“We were first told that the event will be held in Dubai Mall, then later at the Dubai World Trade Centre and then at Al Ghurair. After we passed by Al Ghurair area and picked some more ladies the bus and went straight to Al Aweer,” ayon sa kaibigan ng isa sa mga nahuli.

Nagsimula umanong mag-iyakan ang mga Pinay nang lumampas na sila sa dapat nilang pupuntahan at ini-lock ang pintuan ng mga bus.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply