1,500 pulis nakiisa sa ‘Padyak Laban sa Kriminalidad 2011’

TINATAYANG mahigit sa 1,500 pulis mula sa ibat-ibang bayan sa Batangas ang nakiisa sa “Padyak Laban sa Kriminalidad 2011,” isang advocacy campaign na naglalayong paigtingin ang pagsugpo sa kriminalidad sa buong Batangas.

Sa iisang adhikain, nagkasama-sama noong Lunes, Hulyo 4, sa pagpadyak ang mga pulis buhat sa ibang bayan at munisipyo sa lalawigan ng Batangas. Ang padyak ay nagsimula sa Cuenca patungong Batangas City.

Sinabi ni Attorney Rosauro V. Acio, police senior superintendent at provincial director ng Philippine National Police (PNP)-Batangas, bukod sa adhikaing nagsusulong labanan ang karahasan at kriminalidad, isa na rin itong magandang pagkakataon na magkaroon ng magandang ugnayan ang kapulisan sa buong Batangas.

Sinabi pa ni Acio na kumpara sa ibang bayan, ang Batangas ang may pinakamababang talaan ng krimen.

Nakiisa sa nasabing padyakan ang cyclist priest na si Fr. Qiambao, ang Barangay Peace Action Team, mga Barangay Captain ng Poblacion 1-24, Bikers Association at mga kabataan mula sa ibat-ibang unibersidad ng Batangas.

Ayon kay Flory Antenor, pangulo ng Barangay Poblcaion 24, tutulong sila sa magandang adhikaing na magtulungan at magkapit-bisig sa pagsusulong upang labanan ang kriminalidad sa buong lalawigan ng Batangas para sa isang matiwasay na pamumuhay at maunlad na pamayanan.

Ang programa ay nagtapos sa boodle fight ng mga pulis. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply