19 nawawalang mangingisda patuloy na hinahanap

PATULOY pa rin ang isinasagawang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard para sa paghahanap sa 19 pang nawawalang mangingisda sa Masbate.

Ayon kay Calumpang, Masbate Petty Officer 2nd Class Renie Apuya, muling nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng coast guard matapos na pansamantalang itigil ito kagabi, Hulyo 27, bunsod ng sama ng panahon dulot ng bagyong Juaning.

Tumulong na rin ang ilang mga bangka ngunit bigong mahanap ang mga biktima dahil sa malalakas na hangin at hampas ng malalaking alon.

Dahil dito, nagpasyang ipadala ng PCG ang dalawang barko mula sa lalawigan ng Quezon at Camarines Sur.

Nanatili naman sa Balud Municipal Hospital ang 11 mula sa 13 nakaligtas.

Nabatid na may 32 katao ang sakay ng tumaob na F/B Hope Christy. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply