2.3M Pinoy nabiyayaan sa CCT — DSWD

KATULONG ng GCash remit ng Globe telecom at Landbank, naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa may 2.1 milyong  benepisyaryo ang Conditional Cash Transfer (CCT) sa buong bansa maging sa mga nasa liblib na lugar.

Ito ang naging pahayag ni Asec Parisja Taradji, Pantawid Pamilyang  Pilipino Program (4Ps) director  sa ginanap na press conference  kaugnay  sa kaganapan ng pagbibigay ng CCT sa may halos 300 na remote municipalities sa buong bansa sa pamamagitan ng GCASH REMIT at Landbank.

Ayon kay  Taradji,  sa may 2.3 milyong target ng pamahalaan bago magpatapos ang taong kasalukuyan na mabenipisyuhan ng CCT  ay may  2.3 pamilya na ang  nabibigyan nito kung  saan 1.6 milyong pamilya ang  nakakakuha sa  Landbank,  samantalang 432, 510 pamilya naman ang nakakakuha sa pamamagitan ng GCASH Remit ng Globe.

Nilinaw ni EVP Wilfredo Maldia, ng agrarian and domestic banking ng Landbank na sa pakikipagtulungan ng GCASH remit dito nakakakuha ang mga benipisyaryo mula sa lugar na mahihirap puntahan at wala pang bangko.

Ayon naman kay Peter Brithos, Chief ng GCASH REMIT ng Globe na wala silang kakaltasin muna sa P1,400.00 na maximum  CCT  ng isang pamilya dahil ito  ay nakapaloob na sa  service fee sa binabayaran ng Landbank sa  kanila.

Kabilang sa siniserbisyuhan ng GCSAH REMIT sa may 6,000 pay-out partners nito sa buong bansa ay sa Butuan City; Polilio Island, Quezon; Misamis Oriental at Lanao del Norte, Tagbilaran  City, Bohol.

Sa pagkuha sa  GCASH REMIT  ay kinakailangan lamang na magdala ang benipisyaryo ng kanyang DSWD ID kung saan makikita ang reference  code  at  transaction number nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply