2 Kano, 1 pa dinukot sa Zamboanga

DINUKOT ng mga armadong lalaki ang tatlong katao, kabilang ang dalawang Amerikano, Martes ng madaling araw sa Zamboanga City.

Sa inisyal na impormasyon na nakalap mula kay Barangay chairman Hadji Attal Mohammand Nur ng Barangay Tictabon, ang pagdukot ay naganap dakong alas-tres ng madaling araw sa Tictabon, isang isla ng barangay na may layong sampung kilometro sa silangang bahagi ng Zamboanga City.

Kinilala ni Nur ang mga biktima na sina Lunsmann Gerfayetts, 50, anak nitong lalaki na si Kevin Erick, 14, kapwa American citizens, at ang 19-anyos na pamanagkin na si Romnick Jackaria.

Ayon sa ulat, ang mga bitima ay tinutukan ng baril at sapilitang tinangay ng may 14 na armadong lalaki at isinakay sa dalawang de-motor na bangka patungong sa lalawigan ng Basilan.

Hanggang sa kasalukuyan wala pang hinihinging ransom money ang mga kidnappers. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply