2 bagets utas, 1 malubha nang tamaan ng kidlat

DALAWANG teenager ang namatay habang isa naman ang nasa kritikal na kalagayan matapos na mahagip ng kidlat na gumuhit sa kanilang harapan sa Carmona, Cavite kagabi, Linggo, sa ulat ng pulisya.

Batay sa report, nakilala ang mga namatay na sina Mary Grace Sedantes, 13 at kaibigan nitong si Michael, 15, habang patuloy namang ginagamot sa Philippine General Hospital ang ama ni Mary Grace na si Erwin.

Nabatid na nakatayo malapit sa kanilang kubo ang tatlo nang gumuhit ang kidlat at mahagip ang mga ito.

Dinala pa sa pagamutang bayan ng Carmona ang dalawang bagets pero idineklara na itong dead on arrival ng mga attending physician.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply