2 bangkay itinapon sa Maynila

DALAWANG bangkay na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang kapwa nakabalot ng masking tape ang mga ulo at nakagapos ang mga kamay at paa sa Maynila nitong Miyerkules ng gabi, Hulyo 27.

Isa sa biktima ay babae na inilarawan na nasa edad na 55, nakasuot ng itim na t-shirt at brown na short, matangkad at payat ang pangangatawan.

Ang biktimang lalaki naman ay nasa pagitan ng edad na 40-50, may taas na 5’5-5’7 at nakasuot ng camouflage pants at gray long sleeves.

Ang biktimang babae ay nakita ng isang nagpapatrolyang kagawad at inakalang isa lamang manikin na itinapon sa ilalim ng punong duhat.

Sumunod namang nakita ang bangkay ng biktimang lalaki sa Osmena at Zobel Roxas Road, ‘di kalayuan sa bangkay ng babae, kung saan may nakalagay pang mensahe sa ibabaw ng kanyang dibdib na “pusher, magnanakaw ako.”

Ayon sa  isang tindero ng saging, napansin nito ang dalawang humaharurot na van na nagmamadaling nagtapon sa inakala niyang basura ngunit ng kanya itong lapitan ay bangkay pala.

Inaalam naman ng pulisya kung may koneksyon sa isa’t-isa ang dalawang biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply