2 bangkay natagpuan sa Tondo

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila police ang natagpuang dalawang bangkay na hinihinalang biktima ng summary execution na itinapon sa Tondo Manila, madaling-araw ng Huwebes, Hulyo 14.

Ayon sa report ng dwIZ, natagpuan ang katawan ng mga biktima sa magkahiwalay na lugar sa kahabaan ng Road 10 sa Tondo na kapwa may mark sa leeg senyales na nanlaban ang mga ito.

Nakita ang unang biktima sa kanto ng Road 10 at Sandico Street na inilarawan lamang na nasa 35 hanggang 40 anyos, 5’3″ang taas, balingkinitan ang pangangatawan, at nakasuot ng itim na sando at shorts.

Nagtamo ito ng tama ng baril sa dibdib, at sugat sa leeg.

Natagpuan naman ang pangalawang biktima na may edad na 34 hanggang 38, 5’4”, katamtaman ang pangangatawan, maitim, at nakasuot ng blue na sando at denim pants sa kanto ng Zaragoza Street at Road 10, at nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply