2 bangkay natuklasan sa sasakyan

ISANG palaisipan sa mga awtoridad ang pagkakatuklas sa dalawang bangkay ng lalaki na pawang nasa loob ng isang sasakyan sa Quezon City Sabado ng madaling araw, Hulyo 30.

Kinilala ng mga elemento ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ng Quezon City Police District ang mga biktima na sina Mark Martial Orillo, 25, ng No.5 Sta. Sabina st., Villa Sabina Subdivision, Novaliches, Quezon City at Arnel Mendoza, 38, umanoy accountant ng No. 828 Tayuman st., Tondo, Manila.

Si Orillo ay may tama ng bala ng baril sa kanyang kanang sentido habang si Mendoza ay may tama ng bala sa kanang mata na tumagos sa kaliwang kamay.

Ayon sa ulat ng pulisya sinasabing ang dalawang bangkay ay natagpuan nasa loob ng isang kulay Silver Hyundai SUV (WHG-159) dakong 2:00 ng madaling araw na nakaparada sa panulukan ng Sct. Fuentebella at Sct. Tobias sa Brgy. Laging Handa, Quezon City.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya na dakong 11:35 ng gabi kagabi nang unang matagpuan ang nakaparadang sasakyan sa naturang lugar.

Wala pa ring lead ang mga pulis kung sino ang salarin ng dalawa dahil wala naman umanong nakakita na may ibang tao na umaligid sa sasakyan bago natagpuang patay ang mga biktima. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply