2 carjacker sa Kyusi kalaboso

INARESTO ng tropa ng District Anti-Carnapping Unit ng Quezon City Police ang dalawang motorcycle theft, kasama ang 16-anyos na lalaki sa magkakahiwalay na pagsalakay kanina.

Nabatid kay Superintendent Ferdinand Villanueva, hepe ng Quezon City Police District’s Anti-Carnapping Unit (QCPD-DACU), kinilala ang mga suspek na sina John Patrick de Leon, 16; Aurelio Bicero, 55; at Jerome Caindoy, 31.

Kaagad na isinalang sa inquest proceeding sa Quezon City Prosecutor’s Office ang dalawang salarin matapos madakip.

Napag-alaman na naaresto ng tropa ng DACU ang mga suspek sa pamamagitan ng intelligence report na nakuha nila kaugnay sa serye ng pagnanakaw ng motorsiklo sa lungsod.

Sinabi ni Villanueva na patuloy ang follow-up operation ng kanyang tropa upang maaresto ang natitira pang kasamahan ng mga suspek na sina Junie Villarmino at Michael Bicero.

Inamin ni de Leon na katuwang niya sa iligal na operasyon sina Villarmino at Bicero.

Si Villarmino umano ang utak ng kanilang grupo. Habang si Caindoy naman ay sinisikap ng DACU na matukoy ang grupong kinaaniban nito.

Sa ulat, naaresto ang mga suspek sa Tayuman St., Tondo Manila matapos makumpirma na doon sila nagkukuta. Matapos makipag-coordinate sa Manila Police ay agad nilusob ng tropa ang lungga ng mga suspek kung saan naaesto si de Leon, pasado alas-5 ng hapon.

Dito na itinuga ni De Leon si Aurelio na taga-Tayuman .

Ayon kay  Villanueva, sina De Leon at Aurelio ay positibong itinuro ng mga testigo na tumangay sa isang  Kawasaki Barako (TY7166) ni Raymond Cadarve, ng Barangay Bahay Toro, Quezon City noong July 17.

Habang si Caindoy naman ay naaresto ganap na alas-3 ng hapon matapos maaktuhang ninanakaw ang Honda Beat motorcycle (2410PR) na nakaparada sa No 3 Interior 5, Old Balara, Quezon City na pag-aari ng isang Oscar Samonte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply