2 Chinese na nanakal sa bayaw ni PNoy sinipa na sa Pinas

DAHIL sa pagiging siga, sinipa na kagabi ng Bureau of Immigration (BI) pabalik sa kanilang bansa ang dalawang Chinese nationals na nanakal sa bayaw ni Pangulong Benigno Aquino III habang sakay ng Cebu Pacific flight 5J-563 patungong Cebu,  Sabado ng umaga.

Sa isang kalatas, sinabi ni Atty. Ma. Antonette Bucasas-Mangrobang, tagapagsalita ng kawanihan, ipinag-utos na ni BI Commissioner Ricardo David Jr. ang agarang deportasyon kina Han Yan, 31 at Mai Liyasi, 33.

Sakay ng Cebu Pacific patungong China, umalis ng bansa ang dalawa bandang 7:35 sa Ninoy Aquino International Airport terminal 3.

“Ipinag-utos din ni Commissioner David ang paglalagay sa listahan ng mga indibidwal na hindi pa makakabalik pa sa Pilipinas,” paliwanag pa ni Mangrobang.

Sinabi pa ni Mangrobang na bagama’t nanghihikayat ng mga dayuhang turista ang Pilipinas, wala namang puwang sa bansa ang mga arogante at mayayabang na dayuhan.

Matatandaan na sina Han at Mai ay kabilang sa 12 ‘magazine travel writers’ na inimbitahan ng Department of Tourism (DOT) na magtungo sa bansa upang i-promote ang Pilipinas sa kanilang kababayan.

Batay sa ulat, habang nasa himpapawid ang eroplano, naging maingay at magulo umano sina Han at Mai matapos magsagawa ng ‘parlor games’ ang mga flight attendance.

Sinaway umano ni Eldon Cruz, asawa ni Presidential Sister Maria Elena ‘Ballsy’ Cruz sina Han at Mai. Subalit sa halip na namahimik, sinakal umano ng dalawang dayuhan ang bayaw ni Aquino.

Napigil lamang ang kaguluhan nang awatin ni dating Transportation Secretary Pete Prado na ngayo’y chief of staff ni Aquino-Cruz ang mga dayuhan.

Paglapag ng eroplano sa Mactan International Aiport, agad na isinailalim sa kustodiya ng Police Center for Aviation Security (PCAS) ang mga dayuhan at masusing siniyasat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply