2 Filipina drug courier timbog sa NAIA

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-ASG) ang dalawang Filipina dahil sa pagdadala ng droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ang mga suspek ay kinilala ni Colonel Moises Tuliao hepe ng PNP-ASG na sina Samya Santos at Rhaiipal kapwa tubong Cagayan de Oro.

Nakumpiska sa dalawang Filipina ang kalahating kilo ng shabu.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na ang dalawang suspek ay pinangakuang tatanggap ng P5,000 sakaling madala nila ang droga sa loob ng paliparan para ibigay sa isang lalaki na sasakay naman ng commercial plane patungong Cebu.

Ang dalawang suspek ay nasabat dakong 12:06 ng hatinggabi ng alertong tauhan ng ASG personnel na nagbabantay sa X-ray machine nang mamataan sa loob ng luggage ang droga.

Tinangka ng mga suspek na tumakas nang maramdaman na nabuko ang itinatagong droga at nagtatakbo palabas ng paliparan.

Hinala ng awtoridad na ang dalawang suspek ay kasama ng ilang miyembro ng drug syndicate na agad tumakas nang maramdaman na nabisto ang iligal na droga na umaabot sa halagang P2 milyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply