2 huli sa pagbebenta ng pekeng sedula

BINIBIT ng ilang barangay official ang dalawang babae na naaktuhang nagbebenta ng mga pekeng sedula sa harapan ng National Bureau of Investigation (NBI) Headquarters sa United Nations Avenue sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Emelita Fernandez, 53, may asawa, ng 1651 Kahilum 3 Pandacan, Maynila at ang isang Mary Grace delos Santos, 26, ng 401 Perla  St., Tondo.

Batay sa ulat ni Chief Insp. Marcelo Reyes ng Manila City Hall Detachment, bitbit nina Dante Gonzalo Barangay Chairman; Kagawad Boboy Baraza at ang barangay Tanod na si Bonifacio Gallarin, ng Brgy 670 Zone 72 ang dalawa, hinggil sa nasabing kasong pagbebenta ng mga pekeng sedula.

Apat na sedula ang nakumpiska sa dalawa na umano’y ibinebenta nila sa mga aplikante ng NBI clearance sa halagang P10.00.

Inamin naman ng dalawa na binibili nila sa halagang P5 ang kada piraso ng sedula, pero tumanggi silang pangalanan ang pinagkukunan nila nito.

Sinabi ng dalawa na gusto lamang nilang madagdagan ang kanilang kita kaya pinasok sila ang pagbebenta ng pekeng sedula.

Dahil dito, sinampahan ng kasong paglabag sa Revised Penal Code (falsification by private individuals and use of falsified documents) at obstruction ang dalawang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply