2 huli sa pagtutulak

DALAWANG hinihinalang drug pushers sa Barangay Calzada, Tipas, Taguig City ang dinakip ng mga elemento ng Station Anti-Illegal Drug Special Operation Task Group (SAID-SOTG) matapos mabuko noong Miyerkules ng hapon, Hulyo 7, na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa inilatag na buy bust operation ng mga undercover agents.

Hinuli nina Arresting Officers PO3 Christopher D. Bonifacio at PO2 Virgilio P. Del Rosario, Jr. ang mga suspek na nakilalang sina Melvin De Leon Balderrama alyas “Bobot,” 38 at ang tiyahin nitong si Estela V. Valderrama alyas “Telay,” 49 at kapwa nakatira sa Estacio st., Barangay Calzada Tipas, ng nabanggit na lungsod.

Nasamsam mula sa mga suspek ang mga ebidensiya na marked money, limang pirasong plastic sachets na naglalaman ng methamphetamine hydrochloride, mga piraso ng aluminum foil, disposable lighter at iba pang illegal drug paraphernalia.

Kakasuhan ng paglabag sa Section 5 at 11 ng RA9165 ang dalawang ikinulong na suspek. PP Corpus

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply