2 LPA nagbabanta ng pagbaha, landslides

PINANGANGAMBAHANG magdudulot din ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa ang dalawang low pressure area (LPA) na namataan sa Central at Southern Luzon gayundin ang Palawan.

Sa advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) kaninang alas-onse ng umaga, ang isang LPA ay tinatayang nasa layong 590 kilometro Hilagang Silangang ng Virac Catanduanes.

Habang nasa 190 kilometro Silangan Hilagang-Silangan naman ng Catarman, Northern Samar at nakakulong sa Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) ang isa pa na gigiri sa Sentro at Timog Luzon at Visayas.

Inaasahang magdudulot ng malawakang pag-ulan ang dalawang namumuong sama ng panahon, partikular sa Central Luzon, Southern Luzon at Palawan.

“These weather systems are expected to bring widespread rains over eastern section of Central and Southern Luzon, including Palawan, that may trigger flashfloods and landslides,” ayon sa Pagasa.

Nauna rito, inanunsyo ni Pagasa forecaster Connie Dadivas na ang pagbaha at pagguho ng lupa ay posibleng makaapekto rin sa ilang bahagi ng Mindanao, kabilang ang Davao at Bukidnon.

Ayon sa ahensya, napakaliit man ng tsansa nitong maging bagyo, pinangangambahan pa rin itong maging cyclone.

“Sa ngayon slim chance ang nakikita natin pero meron pa ring possibility kasi nasa karagatan pa ito,” saad ni Dadivas.

Papangalanang “Goring” ang namataang LPA sakaling maging ganap na bagyo sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply