2 LPA nasilip ng PAGASA, pag-ulan ibinabala

MAGIGING maulan ang Katimugang Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa namataang dalawang low pressure area sa Oriental Mindoro at Silangan Mindanao iniulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and

Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, unang namataan ang isang low pressure area dakong 8:00 ng umaga kanina sa layong 220 kilometro ng Kanluran Hilagang Kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Habang ang pangalang low pressure area naman ay namataan sa layong 780 kilometro ng Silangan ng Mindanao.

Nabatid sa PAGASA na ang dalawang LPA ay makaaapekto sa Intertropical

Convergence Zone (ITCZ) at makaaapekto sa Katimugang Luzon, Visayas at Mindanao na magdadala ng pag-ulan.

Idinagdag pa ng PAGASA na ang dalawang LPA ay magdadala ng malawakang pag-ulan sa ilang bahagi ng Palawan at Mindanao na maaaring magdala sa flashfloods at landslides.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply