2 mangingisda na nawala kay Falcon, natagpuan na

NA-RESCUE na ang dalawang mangingisda na napaulat na nawala bunsod ng bagyong “Falcon” (Meari) umaga Biyernes, Hulyo 1.

Ayon sa 6 a.m. update ng NDRRMC, nailigtas sina Ronald Tabor at Denver Sta. Ines, kapwa taga San Vicente, Virac, Catanduanes sa Bicol.

“Ronald Tabor (named in earlier reports as Rolando Sarmiento Tabios) and Denver Sta. Ines, both from Barangay San Vicente, had been rescued in Viga town’s Barangay Tambongon by a group of fishermen. Their boat drifted away from the shore after its engine conked out. They are now at the hospital for medical check-up,” base pa sa update.

Nabatid pa sa NDRRMC na 12 pa ang nawawala – walo sa Bicol, dalawa sa Bataan, isa sa Mountain Province, at isa sa Rizal.

Dagdag pa ng NDRRMC, nananatili sa bilang na pito ang nasawi habang apat ang sugatan sa nasabing bagyo.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply