2 manyakis shoot sa kulungan

SWAK sa bilangguan ang dalawang manyakis matapos itong arestuhin ng mga awtoridad dahil sa hindi pagbabayad sa ininom na beer at hipuan ang isang babaing kustomer Linggo ng madaling araw sa Navotas City.

Nasa detencion cell na ng Navotas City police ang suspek na sina Gilbert Bando, 43, may-asawa, ng No. 17 Daniel St., Barangay Bagbag Quezon City at Edwin Peñaflor, 36, may-asawa, ng Blk. 30 Lot. 68, Phase II Area-1 Dalag St ., Dagat-dagatan, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-una ng madaling araw nang maganap ang insidente sa isang tindahan na matatagpuan sa Blk. 21 Lot. 71 Phase II, Area-1 Dagat-dagatan Caloocan City.

Sa reklamo ni Manny Pauline de Mesa, 34, may-ari ng tindahan, umupo sa tapat ng kanyang tindahan ang mga suspek at umorder ng beer subalit matapos umiinom, sa halip na magbayad ay pinagmumura pa ito at nanakot pa at nagpakilalang pulis.

Hindi pa nakuntento ang mga suspek, binastos at hinipuan pa ang isang babae na si Anna Marie Sapalo, 43, ng Dalag St ., Navotas City.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong sa pulisya ang mga biktima na naging dahilan ng agaran pagkakadakip sa mga ito.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong Estafa, Malicious Mischief, Usurpation of Authoirty and Resistance at Acts of Lasciviousness sa piskalya ng Malabon-Navotas Prosecutor’s Office.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply