2 Marines kumpirmadong pinugutan sa Sulu clash

KUMPIRMADONG dalawa sa pitong Marines na napatay sa Sulu ang pinugutan ng mga bandidong Abu Sayyaf ayon sa spokesman ng Philippine Navy, Biyernes ng hapon.

Ani Lt. Col. Omar Tonsay, dalawa lamang at hindi lima tulad ng naunang naiulat ang pinugutan sa nasabing sagupaan, kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Patikul.

“Hindi lima, two, I can confirm two, I can confirm two hacking,” ani Tonsay.

Matatandaang napasok ng Marines mula sa Marine Battalion Landing Team 11, 10, at 5 ang kampo ng Abu Sayyaf malapit sa bisinidad ng Tubig Magtuh, sa Barangay Panglayahan nang atakehin sila ng mga bandido.

Patay agad ang pitong Marines habang 26 iba pa ang nasugatan, habang 13 naman ang nalagas sa ASG.

“It is indeed unfortunate that such incident transpired. However, as what had turned out, their sacrifices were not fruitless as the Marines in Sulu have proven that they are coming closer to attaining their goals against terrorism,” ani Navy chief Vice Admiral Alexander Pama.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply