2 Nursing Board Examiner pinasisibak ng Ombudsman

NAGLABAS na ng desisyon ang Office of the Ombudsman na sibakin ang dalawang dating miyembro ng Nursing Board ng Professional Regulation Commission.

Pinapatanggal sa puwesto sina dating Nursing Board Members Anesia Dionisio at Virginia Madeja hinggil sa pagkalat ng mga test questions ng Board Exam for Nursing limang taon na ang nakakaraan.

Nakitaan ng Ombudsman ng pagkakasala ang dalawa na naturang leakage incident. Ang mga test questions umano na ginawa ni Dionisio ay umabot at kumalat sa RA Gapuz Review Center at sa Institute for Review and Special Studies (Inress).

Matatandaang na nabahiran ang imahe ng mga nurses ng Pilipinas sa international community matapos pumutok na meron naganap na malawakang pandararaya sa Board Exam.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply