2 opisyal ng DOJ kinasuhan ng Customs

IPINAGHARAP na ng kasong kriminal ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang dalawang matataas na opisyal sa Department of Justice (DOJ).

Partikular na sinampahan ng reklamo sina Atty. Reynaldo Nicolas, dating Deputy Commissioner for Assessment and Operations Coordinating Group ng BOC at Atty. Elvira Cruz, dating OIC at ngayon ay collector ng BOC sa Sub-Port of Mariveles.

Ito ay makaraan umanong iligal na mag-isyu ang dalawa ng tax credit certificates at mag-apruba ng tax refund pabor sa kumpanyang Cross Country na isang oil importing company.

Sa reklamong inihain sa Department of Justice, inakusahan ng BOC sina Nicolas at Cruz ng usurpation of authority.

Aabot umano sa P99.4 million ang halaga ng buwis na na-refund ng Cross Country makaraang aprubahan ni Nicolas batay sa rekomendasyon ni Cruz ang application for refund ng nasabing kumpanya.

Ayon kay Deputy Customs Commissioner at RATS Exec Director Gregorio Chavez, iligal ang ginawang hakbang ng dalawang opisyal dahil ang BIR at hindi ang BOC ang may kapangyarihan na mag-apruba ng claims para sa VAT refund.

Hindi rin umano karapat-dapat na mabigyan ng refund ang Cross Country dahil nagawa nitong i-export ang mga kinukuwestiyon nitong kargamento patungo ng Vietnam batay sa presyo kung saan isinama na ang buwis na binayaran sa BOC.

Nadiskubre rin ng BOC na hindi ang Cross Country ang totoong seller ng mga shipment kundi ang Winston Oil Trading, isang kumpanya na naka-base sa Singapore.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply