2 parak nalibing nang buhay sa Ifugao

DALAWANG pulis ang nalibing ng buhay nang magka-landslide habang tumutulong na ahunin ang isang trak na nabalahaw sa putik sa Ifugao, gabi ng Miyerkules, Hulyo 27.

Ayon kay Office of Civil Defense Cordillera (OCD) director Olive Luces, naganap ang insidente sa Brgy. Nailagan, Aguinaldo, Ifugao.

“Kahapon light to moderate lang ang ulan. May sasakyan ng DENR [Department of Environment and Natural Resources] na nabalahaw sa putik sa Barangay Nailagan. Tumulong ang dalawang pulis, suddenly nagka-landslide,” ayon kay Luces sa panayam sa dzBB.

Kinilala ni Luces ang mga biktima na sina SPO2 Jeff Domingo at SPO2 Ricky Agwit na nalibing ng buhay kung saan naantala ang paghahanap sa mga ito dahil sa nakaambang muling pag-landslide sa naturang lugar.

Nakatakda namang ipagpatuloy ang retrieval operations ngayong umaga ng Huwebes.
“Ngayong umaga [sana] light lang ang rain showers para matuloy ang retrieval operations,” dagdag pa ni Luces.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply