2 paslit pisak sa tren, nanay kritikal

PATAY ang dalawang bata habang nasa kritikal na kondisyon ang kanilang ina nang masagasanl ng rumaragasang tren Linggo ng tanghali sa PNR Station, Magallanes, EDSA, Makati City.

Agad na namatay nang magkaputol-putol ang katawan ng dalawang paslit na sina Jenabelle dela Cruz, 1 at 2-anyos na kapatid na si Luis.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Makati Medical Center ang ina ng dalawang paslit na si Luisa Gloore dela Cruz, 18, ng Block 42, Lot 50 South Ville Cabuyao, Laguna, nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ni PO3 Corpuz at PO3 Soria ng Makati City Police Mobile Patrol, ang insidente ay naganap 12:30 ng tanghali sa PNR Station sa Magallanes, EDSA, nabanggit na lungsod.

Napag-alamang mabilis na paparating ang tren nang tumawid pa rin ang mag-iina.  Nnang mawalan ng balanse ang ina ng dalawa ay natangay ang dalawang paslit na pumailalim sa riles.

Nabatid sa ulat na ang mga-iina ay ini-relocate sa Cabuyao, Laguna nang mademolis ang kanilang bahay sa gilid ng riles ng tren.

Nakagawian na umano ng mag-iina na magtinda sa tabi ng riles at umuuwi na lamang kapag kumita na sa pagtitinda.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Makati police traffic bureau sa naganap na insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply