2 patay, 1 sugatan sa ratratan sa handaan

DALAWA ang patay, habang isa ang malubhang sugatan matapos pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa isang birthday party, Linggo ng gabi sa Brgy. Camarin, Caloocan City.

Patay agad sa pinangyarihan ng krimen ang mga biktima na sina Melton Amurin Capina, alyas “Monard” Pusa,” 27, ng #268 B. Sto. Cristo, Tala at Darwin Apiag Goron, 20.

Nakaratay naman at ginagamot sa East Avenue Medical Center si Erick Apiag Telen, 23, ng #11 B. Sto. Cristo, Tala.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakilalang salarin bitbit ang ginamit na baril.

Sa imbestigasyon ng Station Investigation Division (SID), naganap ang insidente alas-9:30 ng gabi sa bahay ng kaibigan ni Amurin sa Camarin Caloocan.

Nabatid na habang nag-iinuman ang mga biktima sa isang birthday party nang sumulpot ang hindi pa nakikilalang suspek saka nagbunot ng baril at sunod-sunod na niratrat ang mga biktima.

Narekober sa lugar ang walong empty shell ng kalibre 45 baril.

Patuloy naman sa imbestigasyon ang pulisya sa pagkakilanlan ng suspek.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply