2 patay, 2 baldado sa sumabog na bomba

TODAS ang dalawang lalaki, habang kritikal naman ang dalawang iba pa na kapwa naputulan ng paa sa naganap na pagsabog ng isang world war II vintage bomb sa Davao City, kaninang umaga.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame dakong alas-11:00 kaninang umaga nang sumabog ang isang lumang bomba sa Sitio Carmen, Mandog, Davao City.

Kinilala lamang ng awtoridad sa pangalang Luding ang isa sa namatay habang kritikal naman sina Deosdado Maglasang, 47 at Pobleto Mayor Imala, alyas Bobby.

Naganap ang insidente sa isang bakanteng lote na umanoy dating banana plantation ng Lapanday kung saan ay hinihinalang tinangkang buksan ng mga biktima ang isang uri ng drop bomb na ginagamit noong nakalipas na WWII.

Nabatid na nakakuha ang mga imbestigador ng isang martilyo at sensil sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply