2 patay sa lumubog na fishing vessel

DALAWA na ang kumpirmadong patay sa a lumubog na fishing vessel na F/B Hope Cristy matapos na matagpuan ang mga bangkay nito na kabilang sa unang naiulat na 32 tripulante na nawawala.

Nadagdagan ng isa pa ang bilang ng narekober na bangkay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isinasagawang search and rescue operations sa karagatang sakop ng nasabing lalawigan.

Inihayag ni Petty Officer 2nd Class Renie Apuya, officer-in-charge ng PCG Calumpang, Masbate, na panibagong bangkay ang natagpuan sa Mandaon at itinuturo itong crew ng lumubog na fishing vessel.

Ayon kay Apuya, nahirapan ang mga awtoridad na tukuyin ang pagkakakilanlan ng biktima dahil ito ay naaagnas na.

Sa kabuuang bilang ng mga mangingisdang sakay ng nasabing sasakyan, 13 lamang ang na-rescue ng PCG at 17 pa ang nananatiling nawawala hanggang sa kasalukuyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply