2 patay sa pamamaril; salarin todas sa pulis

DALAWANG manggagawa ng canning factory ang patay habang sugatan ang isa pa nang pagbabarilin, sa Zamboanga City Huwebes ng gabi, Hulyo 21.

Dead on the spot si Roel Villanueva habang namatay sa pagamutan si Ronnie Arias.

Naglalakad pauwi mula sa pabrika ang dalawa kasama si Edito Laybon nang paputukan sila ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa Purok 5, sa Barangay Recodo.

Samantala sa follow up operations, napatay ng mga awtoridad ang isa sa mga responsable sa krimen na kinilalang si Abil Adil.

Una rito, hinagisan pa ng MK2 fragmentation grenade ni Adil ang mga rumespondeng pulis kaya’t napilitan ang mga ito na magpaputok na naging dahilan ng kamatayan ng salarin. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply