2 patay sa road accident sa Cavite

DALAWA katao ang kumpirmadong namatay sa magkahiwalay na aksidente sa kahabaan ng Governors Drive, Dasmarinas Cavite, iniulat kaninang tanghali.

Patay ang 25-anyos na binata na si Jordan Christopher Estrada ng 14 Mercury Road Pilar Village Las Piñas City matapos masalpok ang sinasakyang motor ng biktima ng Toyota Rav 4 na minamaneho ng lasing na driver.

Ganap na alas 12:00 ng hatinggabi nang maganap ang insidente habang ang biktima ay sakay ng kanyang single motorcycle (TQ- 1093) Honda sa Brgy. Sampalok 1 nang masalpok ng RAV 4 (ZAG-441) na minamaneho ng suspek na si Leonardo Rodriguez 51-anyos, ng Blk 11 Lot 3 Andreavill, nasabing lungsod.

Kapwa isang direksiyon lamang umano ang binabagtas ng biktima at ng suspek na lasing umano habang nagda-drive dahilan upang hindi mapansin ang biktima na sakay ng motor nito.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang biktima na mabilis namang nadala sa pagamutan subalit namatay din habang ginagamot.

Kasabay din nito sa nasabing oras ang isa pang aksidente ang naganap kung saan namatay din si John Paul Tornilla, 27, ng Addas 2, Imus cavite makaraang masalpok ang sinasakyan nitong Mitsubishi Pick up (TEF-854) ng isang Honda Civic (UBf- 371) na minamaneho ni Jeffrey Barqueros, 35, ng 072 Bgy. Marinig Cabuyao, Laguna.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply