2 patay sa salpukan ng owner-type jeep at motor

DALAWA katao ang patay sa salpukan ng owner-type jeep at motorsiklo sa Surigao del Norte.

Kinilala ang mga nasawi na sina Carlito Suazo, dirver ng motorsiklo at ang angkas nitong si Kim Suazo.

Arestado naman ang driver ng dyip na si Felipe Pandio at inimpound ang sasakyan nito.

Ayon sa report, tumatahak sa magkabilang direksyon sa national highway sa Barobo, Surigao del Norte ang dalawang sasakyan nang magsalpukan.

Inimbestigahan pa ng mga awtoridad ang tunay na dahilan ng aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply