2 pulis nanakawan ng baril

KAPWA nanlulumo ang dalawang bagitong pulis matapos madiskubreng nawawala ang kanilang baril na nakalagay sa kani-kanilang motorsiklo habang nasa kasagsagan sila ng practice sa isang competition sa Civil Disturbance Management sa Luneta Park, sa Ermita, Manila Sabado ng tanghali, Hulyo 9.

Kapwa nagreport  sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section sina PO1 Charlie Borromeo, 26, at PO1 Jerome Oponano, 25,na parehong naka-assign sa District Public Safety Battalion ng Manila Police District.

Batay sa ulat na isinumiti kay P/Sr. Insp. Ramon Meneses, deputy chief ng MPD-GAS, dakong 11:30 nang madiskubre nila ang nawawalang baril na parehong kalbre .45 habang nakaparada ang kanilang mga motor sa tapat ng Luneta Police Community Precinct na sakop ng MPD-Ermita Police Station 5.

Ayon sa pahayag ng dalawa, pareho umano nilang inilagay ang kani-kanilang baril sa compartment ng kanilang motorsiklo para mag-practice sa nalalapit na completion sa CDM.

Katatapos pa lamang nilang mag-ensayo nang magtungo na sila sa kani-kanilang sasakyan, ngunit laking gulat ng dalawa nang madiskubreng nawawala na ang kani-kanilang baril.

Gayunman, makaki ang hinala ng pulisya na kakilala ng dalawang pulis ang kumuha ng kanilang baril at maaaring dadaanin ito sa biro pero kapag nakalusot ay libre na sa baril at puwede na itong ibenta. Rene Crisostomo

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply