2 sa apat sundalong pumatay ng estudyante tiklo

DALAWA sa apat na miyembro ng Philippine Army ang nasakote ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagtago sa loob ng siyam na taon matapos mapatay ang isang college student sa Albay, noong 2002.

Kinilala ang dalawang dinakip na sina Master Sergeant (M/Sgt.) Mario Velasco, 48, at  Sgt. Jaime Onquit, 47, kapwa ng Market Site, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal at naka-detail sa 2nd Infantry Division ng PA.

Ayon kay NBI head agent, Atty. Romulo Asis, ang dalawa ay kabilang sa itinuturong nasa likod ng pamamaslang sa isang Joel Asejo, estudyante ng Bicol University.

Gayunman, dalawa pang suspek na kasamahan nina Velasco at Onquit ang nakalalaya pa ay kinilalang M/Sgt. Edgardo Andrecio at T/Sgt. Vicente Ganaban Jr., na sinasabing AWOL base umano sa impormasyon na ibinigay ng pamunuan ng PA.

Sa rekord ng kaso, ang biktimang si Asejo ay nakaalitan ng mga nabanggit na sundalo sa pagdiriwang ng kaarawan na ginanap sa loob ng Magayon Spring Resort, sa Sto. Domingo, Albay noong 2002.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay binaril umano ng mga suspek ang biktima.

Dahil sa pangyayari, humingi ng saklolo sa NBI ang ama ng biktima na si Jose Asejo para sa ikadarakip ng mga pumatay sa kanyang anak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply