2 sekyu nagduwelo sa SM Iloilo: 1 patay, 1 patawirin

ISA ang patay magkaraang magbarilan sa loob mismo ng isang mall sa Iloilo City ang dalawang security guard kagabi, Hulyo 29.

Nabatid na nasawi sa barilan si S/G Marcos Dimson Cahuya Jr., 47, ng Zone 4 Boulevard, Molo, Iloilo City, isang retiradong kasapi ng Philippine Army; habang kritikal naman si S/G Alfredo Estandarte Gumire, 52, ng Aurora Subdivision, General Luna St. Iloilo City.

Nagtamo ng multiple gunshot wound si Cahuya kung saan malubha ang tama nito sa leeg at tiyan at lumusot ang bala sa likod nito na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Samantala malubha rin ang mga sugat na natamo ni Gumire na sinusubukan na ma-revive ng mga doktor.

Ayon sa janitor na nakasaksi sa pangyayari sa loob ng SM Delgado sa Delgado St., Iloilo City, nagkasalubong ang dalawa sa hallway ng comfort room kung saan naggitgitan ang mga ito.

Tinangka umano ni Cahuya na umiwas sa gulo subalit hinabol ito ni Gumire at binaril gamit ang kalibre .40 baril.

Kaagad na bumalik sa comfort room si Gumire upang tingnan ang natirang bala sa magazine ng baril at pasimpleng lumabas kung saan dumaan pa ito sa nakahandusay na si Cahuya sa pag-aakalang patay na ito.

Gamit naman ang natirang lakas at hininga, gumanti si Cahuya at pinaulanan ng bala si Gumire gamit ang .45 caliber pistol.

Nabatid pa na matagal nang may girian ang dalawa bago pa mangyari ang barilan sa maraming tao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply