2 suspek sa Maguindanao Massacre akusado pa rin

IBINASURA ng Department of Justice (DOJ) ang petisyon ng dalawang akusado mula sa angkan ng mga Ampatuan kaugnay ng pagkakasangkot sa Maguindanao Massacre.

Sa 12-pahinang resolusyon na inilabas ni Justice Undersecretary Leah Tandora-Armamento, ibinasura ang petition for review nina Datu Sajid Islam Ampatuan at Datu Saudi Ampatuan Jr.

Nabigo umano ang dalawa na patunayan na nagkaroon ng pag-abuso sa panig ng mga prosekyutor para isama sila sa kaso.

Una nang iginiit ng dalawang akusado sa kanilang petisyon na nagkaroon ng grave abuse of discretion ang mga prosekyutor nang isama sila ng mga ito sa kaso.

Maliban kina Sajid at Saudi, 195 iba pa ang sangkot kabilang na ang mag-amang dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., dating Mayor Andal Ampatuan Jr., at dating Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. si Zaldy Ampatuan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply