2 tirador ng motorsiklo kumasa sa parak tigbak

BUMULAGTA ang dalawang tirador ng motorsiklo nang kumasa sa pulisya sa mismong paanan ng Mt. Makiling sa Laguna, ayon sa ulat ng pulisya.

Nagtamo ng tig-tatlong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din  ang mga hindi nakikilalang suspek na lulan sa walang plakang motorsiklo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 6:15 ng Miyerkules ng gabi, Hulyo 6 sa isang bisinidad ng Jamboree Road sa Barangay Timugan, Calamba.

Ayon kay Los Baños police chief Supt. Dante Novicio, bago ang putukan ay naispatan ng kanyang mga tauhan ang mga salarin na lumabag sa batas trapiko dahil ang motosiklong kanilang minamaneho ay walang plaka.

Imbes huminto, pinaharurot aniya ng mga suspek ang kanilang motorsiklo kaya hinabol sila ng mga tauhan ni Novicio hanggang sa makarating sa paanan ng Mount Makiling.

Dito na pinaputukan ng dalawa ang mga parak dahilan para gumanti ang mga rumesponde hanggang sa tumimbuwang ang mga nabanggit.

Narekober ng pulisya ng isang .38-caliber revolver at isang hand grenade mula sa mga napatay na suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply