2-toneladang isda nasabat sa La Union

NASABAT ng mga awtoridad ang mahigit sa dalawang-toneladang isda na lulan ng isang delivery truck na umano’y nahuli sa pamamagitan ng iligal na dynamite fishing sa San Fernando, La Union.

Batay sa impormasyong nakalap ng San Fernando City Police Station, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Celia Tabon, 48, may-ari ng mga nakumpiskang isda, at Frederick Rapisura, 32, driver ng nasabing sasakyan. Ang dalawa ay kapwa residente ng Barangay Puro Pinget, Magsingal, Ilocos Sur.

Naaresto ang mga suspek sa checkpoint sa kahabaan ng national highway sa Barangay Pagdalagan Norte sa nasabing lungsod.

Matapos na suriin ng fish examiner ng San Fernando City Agriculture Office, natuklasan na nahuli sa pamamagitan ng dynamite fishing ang mga isda.

Ang nakumpiskang isda ay dadalhin sana sa lungsod ng Dagupan sa Pangasinan upang ibenta.

Ang mga isdang nakumpiska ng pulisya ay tumitimbang umano ng 2.4 tons o 2,400 kilo at nagkakahalaga ng P192,000.

Ito na ang pinakamaraming isdang nakumpiska ng awtoridad na hinuli sa pamamagitan ng illegal dynamite fishing sa lalawigan ng La Union.

Inihahanda na rin ang kaukulang kasong isasampa ng mga awtoridad laban sa mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply