2 tulak ng shabu arestado sa Taguig City

DALAWANG drug pushers ang agad dinakma ng undercover agents ng Station Anti-illegal Drugs Special Operation Task Group (SAID-SOTG), Linggo ng umaga matapos maaktuhang nagbebenta ng bawal na gamot sa MLQ St., Purok 2 Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Bago inilatag ng awtoridad ang buy bust operation, sinabi nina arresting officers PO3 Jowel Briones at PO2 Noel Antillion Jr., na nagsagawa sila ng tactical surveillance sa nabanggit na lugar upang matukoy ang pinagmumulan ng droga bunsod na rin ng sumbong ng mga concerned citizen na nakarating sa kanilang tanggapan.

Sa bisa ng marked money, nalambat ang mga suspek na sina Ulisis Salazar, alyas Komang, 38 at Randy Oliveros, 31, pawang ng nasabing lungsod.

Nasamsam mula sa mga suspek ang ebidensiya na dalawang plastic sachets na naglalaman ng shabu.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 at Art. 2 ng RA9165 ang dalawang ikinulong na suspek.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply