2 utas sa agawan sa lupa sa Caloocan

PATAY ang dalawa katao matapos magkagirian sa pinag-aagawang lupa sa Pangarap Village, Araneta Avenue, North Caloocan City.

Nag-umpisa ang girian kaninang alas 7:00 ng umaga nang magpunta sa lugar ang mga guwardya ng umano’y pamilya Araneta na sinasabing may-ari ng lupaing kinatitirikan ng mga bahay ng mga residente.

Isinuko na rin ng management ng Carmel Development Incorporated ang apat na shotgun na umano’y ginamit ng mga security guard sa pamamaril.

Sinabi ni Chief Inspector Morell Orang, South Station Commander ng Caloocan Police, na nangako ang Carmel Development Incorporated na isusuko ang mga security guard na responsable sa pagkamatay ng dalawang residente na sina Soliman Gomez na nagtamo ng tama sa dibdib at Rommel Fortades na tinamaan naman sa sentido at hita.

Habang sugatan naman ang apat na sina Lando Royos, Henry Abaycar, Diosdado Cacar at Godofredo Reyes.

Sa ngayon, bantay-sarado na ng mahigit sa 100 pulis ang lugar habang hinihintay na rin ang pagsuko ng mga security guard.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply