2 vice mayor, binitay sa kikbak, pang-aabuso

NOONG umaga ng Martes, Hulyo 19, dalawang vice mayor sa Tsina ang binitay.

Sina Xu Maiyong ng Hangzhou City at Jiang Renjie ng Suzhou City, mga lugar sa Tsina na mabilis na umuunlad.

Ang kasalanan nila kay Juan: pagsawsaw sa mga proyekto ng gobyerno at pakikialam sa mga property developer kapalit ng kikbak, pagwaldas ng salaping bayan at paglilipat ng pondong bayan sa mga kompanyang mayroon silang sosyo.

Halos magkasabay na isinuplong ang dalawa sa mga awtoridad noong mga taong 2004. Natapos ang paglilitis sa mababang hukuman noong 2008 o apat na taon makaraan.

At nitong nakaraang Martes nga sila binitay.

oOo

Ayon sa rekord, itong si Xu ay ginamit ang kanyang posisyon para makakikbak ng $24 milyon sa mga proyekto, magwaldas ng perang gobyerno na nagkakahalaga ng nasa $8M at magpalusot o mag-divert ng perang gobyerno na nasa $12M tungo sa kompanyang meron siyang sosyo.

Kumbaga sa piso, Suki, naglalaro sa P2 bilyon ang nakaw na yaman at pagwawaldas ni Xu.

Ito namang si Jian, eh, nag-take home ng nasa $16M na kikbak sa mga kontrata ng gobyerno at halos katumbas ito ng P728M abono iskam nina Jocjoc Bolante.

oOo

Habang hinihimay-himay natin ang mga pinaggagawa ng mga opisyal na ito sa Tsina, pakiramdam natin, eh, nasa tabi-tabi lang din natin ang mga onorabol na may ganitong mga gawain.

Iniisip tuloy natin na ipadala na lang sa Tsina ang mga mangingikbak, manonongpats, abusado at iba pang mga onorabol para doon sila hatulan.

Yang bitay ang pinakaepektib laban sa mga ito para hindi na sila makabalik pa sa posisyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply