2 win sa NCAA pinirata ng LPU

MULING namirata ng panalo ang guest team Lyceum of the Philippines, (LPU) Pirates sa nagaganap na 87th season NationalCollegiate Athletics Association senior division sa The Arena San Juan kahapon.

Pinayuko ng Pirate ang University of Perpetual Help System Dalta, 93-87 upang solohin ang top spot ng team standingna may 2-0 panalo talo.
Angat ng tatlong puntos ang Perpetualmatapos ang first half, (45-43) subalit hindi ito hinayan ng Pirates na makalayo kaya naman nagsimula ng mag-init sa opensa ang huli at makuha ang lamang matapos ang third canto, 65-73.
Umabot sa 14 napuntos ang abante ng Pirates ng tumikada si Pirates guard Chris Cayabyab ng three-pointer parasa 83-69 bentahe may 6:40 minutopa ang nalalabi sa fourth period.

 

Nagpatuloy ang mainit nalaro ni Cayabyab ng bumira uli ito ng three point play sa huling 3:21 ng fourth canto, (88-75).
Hindi naman basta nagpatambak ang Perpetual dahil umarangkada ito ng 12-2 run para idikit ang score sa 91-87 may 1:13 pa ang nalalabi para sa huling buzzer.
Ganumpaman, naalagaan pa rin ng Pirates ang kanilang kalamangan kung kaya’t naging masaya ang coachin staff na pinangunahan ng coach na si Bonnie Tan.
“Masaya dahil ngayon lang kami nakapull through sa televised game,” nakangiting pahayag ni Tan.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply