20 biktima ng naulol na aso sa Naga

MAHIGIT sa 20 katao ang naging biktima ng asong ulol na umatake sa isang terminal sa Naga, Miyerkules ng gabi.

nabatid na naalarma na ang mga residente sa lugar nang tumaas sa 16 katao ang naging biktima nito sa Barangay Abella.

Nabatid na unang isinugod ang apat katao sa Naga City Hospital kagabi.

Pinaniniwalaang pagkagaling sa Brgy. Sabang ay tumungo naman ang aso sa kalapit na barangay matapos kuyugin ng mga residente doon.

Sinasabing unang nakita sa terminal ng Sabang malapit sa isang mall ang aso na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli.

Samantala, kumilos na rin ang awtoridad upang mabakunahan ang mga naging biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply