20 Pinoy panibagong bihag ng Somali pirates

ISA na namang Italian ang kinubkob ng Somali pirates kung saan bihag nila sa kasalukuyan ang may 23 crews kabilang ang 20 Pinoy, dalawang Italian at ang kapitan ng Romania.

Ayon kay Benin Navy Commander Maximo Ahoyo, hinijack ng mga pirata ang Rbd Anema e Core sa Gulf of Guinea kung saan nakatanggap umano sila ng distress call at nagpadala na ng dalawang patrol boats para sundan ang mga pirata at mahigpit na mino-monitor ang sitwasyon.

Nabatid pa na tatlong pirata umano ang umakyat ng barko na nasa 23 nautical miles katimugan ng Cotonou, Benin.

Nabatid naman sa Italian Foreign Ministry na nakikipag-ugnayan na ang kanilang crisis unit sa may-ari ng barko at sinusubaybayan ang sitwasyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply