20 Pinoy seafarer na-hostage ng Somali pirates

DALAWAMPUNG Filipino seafarer ang na-hostage na naman ng mga Somali pirates na humarang sa isang Italian tanker, ayon sa report na nakarating sa Philippine Navy mula sa mga awtoridad ng Italya.

Sa impormasyong ibinahagi ni Benin Navy Commander Maximo Ahoyo sa Italian government na nakarating din sa Philippine authorities, hinarang at inakyat ng  mga pirata ang Rbd Anema e Core sa Gulf of Guinea.

Bago tuluyang nasampa ng mga pirata ang barko ay nagawa pa ng kapitan nito na makapagpadala ng distress call.

Sinabi pa ng Benin Navy na agad silang nagpadala ng dalawang patrol boats para sundan ang mga pirata.

Sa report ng Italian news agency, ang barko ay may 23 miyembro ng crew na kinabibilangan ng 20 Pinoy, dalawang Italian at ang kapitan ay Romanian.

Tatlong pirata umano ang umakyat ng barko na noo’y nasa 23 nautical miles katimugan ng Cotonou, Benin.

Ayon sa Italian Foreign Ministry, nakikipag-ugnayan na ang kanilang crisis unit sa may-ari ng barko at tinututukan ang kasalukuyang sitwasyon.

Nabatid na nitong nakalipas na linggo, bago ang panibagong pagsalakay, pinalaya ng mga pirata ang Greek oil tanker na kanilang hinarang kasama ang 20 tripulante nito. Verlin Ruiz

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply