2012 budget at dumi ng pulitika (2)

TULAD ng inaasahan, pinakamalaking bahagi ng national budget ang P237 billion ng Department of Education; P125.9 billion ng Department of Public Works and Highways; P106.9 billion ng Department of National Defense; P99.3 billion ng Department of the Interior and Local Government; P53.6 billion ng Department of Social Welfare and Development; at P52.9 billion sa Department of Agriculture.

Nakuha ng DSWD ang malaking dagdag sa pondo dahil sa parami nang parami ang mahirap na dapat tulungan. Pero, dapat ay kumpleto ang talaan ng beneficiaries at magkaroon ng breakdown by province, town and cities hanggang sa barangay level; nagkaroon din ng dagdag na badyet ang da- Department of Agriculture para buhayin ang mga patay na patubig na walang agos at nang magkaroon ng sapat na irigasyon ang halos ay 86 na libong ektarya ng mga lupain. Kasi, ang NIA –
National Irrigation Administration ay naniningil kahit walang agos sa patubig at inaangkin at pinababayaran sa magsasaka pati ang buhos ng ulan.

Ang rehabilitasyon sa patubig ay inaasahang magbibigay ng self-sufficiency sa bigas sa taong 2013. Hindi na marahil madaragdagan pa ang 177 billion pesos na pagkakautang ng NFA – National Food Authority.

Tag-ulan na naman. Sa nakalipas na ilang araw ay nasaksihan natin ang malupit na paghagupit ng bagyo at walang patid na buhos ng ulan.

Bilyon-bilyong piso ang halaga ng nawasak na ari-arian at maraming buhay ang nasawi na hanggang ngayon ay ipinaglu-luksa ng mga naulila.

Sana naman ay magkaroon ng probisyon sa pambansang badyet ang ukol sa repair at maintenance ng mga dike lalo na sa lalawigan ng Pampanga at bahagi ng Central Luzon. Dito ay dapat kalimutan ang hibo at kulay ng pulitika. Walang kinalaman ang dating Pangulong GMA sa pagputok ng Mt. Pinatubo 25 taon na ang nakalilipas – ngayon ay unti-unti nang nagbibitak ang mga dike at ito ay malaking banta at panganib sa buhay at ari-arian ng mga taga-Luzon.

Huwag na nating hintayin pa ang pagdating ng iba’t ibang kalamidad bago kumilos nang sama-sama. Tungkulin ng mga local executive na maghanda at bigyan ng proteksiyon ang kanilang mamamayan. Hindi dapat na lagi na lamang maghintay sa tulong na ipagkakaloob ng national leadership.

Your Excellency, Mr. President, sa P1.816 trillion budget sa taong 2012, sana naman ay maiwasan ang dumi ng pulitika.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply