2012 budget at dumi ng pulitika

SA Pilipinas, kapag pera ang usapan – lahat ay napapalingon at matamang nakikinig.

Iniisip kasi na baka sakaling maambunan, magkaroon ng mantika ang tuyo, nangangalirang na labi ng pagkauhaw, pagkagutom at tuluyan nang umangat ang antas ng pamumuhay sa ilalim ng bagong dispensasyon.

Sa 26 ng Hulyo, isang araw matapos ang SONA – State of the Nation Address, ihaharap ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa kapulungan ng Kongreso ang 2012 national budget na 1.816 trillion pesos, mataas ng 10.4 percent kaysa kasalukuyang pambansang gastusin na mahigit sa 1.6 trillion pesos.

Ang malaking bahagi ay para sa mahihirap sa pamamagitan ng dagdag na alokasyon sa CCT –Conditional Cash Transfer ng DSWD – Department Of Social Welfare And Development.

Inaasahang aabot sa 3 milyong pamilyang mahihirap ang matutulungan ng programa.

Determinado si PNoy na tuparin ang commitment sa poorest of the poor at maipadama ang isang wasto at maayos na fiscal management: iwasan ang walang kabuluhang paggastos at mabawasan ang talamak na korapsyon sa mga sangay ng gobyerno.

Naka-focus ang 2012 budget sa limang key result areas: anti-corruption and good governance; poverty reduction and empowerment of the poor; economic growth; lasting peace and the rule of law at integridad ng kapaligiran.

Tulad ng inaasahan, pinakamalaki ang P237  billion ng Department of Education; P125.9 billion ng Department of Public Works and Highways; P106.9 billion ng Department of National Defense; P99.3 billion ng Department of Interior and Local Government; P53.6 billion ng Department of Social Welfare and Development; at 52.9 billion sa Department of Agriculture.

Nakuha ng DSWD ang malaking dagdag sa pondo dahil sa parami nang parami ang mahirap na dapat tulungan. (Itutuloy)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply